July 27, 2005

babay na...

yoko nang sabihin
nakakarindi na rin
alam ko naman kasing
hindi mo rin didinggin

ayoko nang magsalita
wala rin naming kwenta
bakit, para ano pa?
makikinig ka naman ba?

nakakapagod na kasi
nakakasawa
ayoko nang manatili pa
sa iyong mga drama!

ba't bigla kasing nag-iba?
mga tawa'y biglang nawala
mga jowk mo'y naglaho na
mga ngiti ko'y napawi na

siguro nga
hindi na
"tayo"
masaya
kaya

babay na…

No comments: