July 27, 2005

babay na...

yoko nang sabihin
nakakarindi na rin
alam ko naman kasing
hindi mo rin didinggin

ayoko nang magsalita
wala rin naming kwenta
bakit, para ano pa?
makikinig ka naman ba?

nakakapagod na kasi
nakakasawa
ayoko nang manatili pa
sa iyong mga drama!

ba't bigla kasing nag-iba?
mga tawa'y biglang nawala
mga jowk mo'y naglaho na
mga ngiti ko'y napawi na

siguro nga
hindi na
"tayo"
masaya
kaya

babay na…

July 23, 2005

"tayo"

elow??!
andyan ka pa ba?
tanong ko lang sana...
kung sa'n ka?
maari pa ba
akong sumama?

'lam mo kasi
medyo malabo na
"tayo"...

ewan ko, bakit nga ba?
meron pa ba?
di kaya'y
binawi mo na?

oo nga, magulo
pasensya na
schizo kasi
ako...

kasi nga
tuliro
kaiisip kung ano
nga ba
"tayo"...

July 20, 2005

nakaka-miss...

Mga jowk mong gasgas na't
sandaang beses nang inulit,
na ni minsa'y di nagsawang
sa aki'y muli pang isambit,
at noo'y laging sinabayan
ng halakhak kong abot-langit,
habang patuloy pang bumubuhos
ang "korni" mong mga hirit! ^_^


(ba't ba lagi kang ganyan?
kahit kelan puro biro!
lahat na lang puro "trip"!
lahat na lang puro loko!
akala mo ba'y nakakatuwa
ang ma-miss ka nang ganito?!)