Tuwing ang tinig mo'y pagal at pumipiyok-piyok na
Sa labis na kakabulalas ng "imbento" mong mga storya,
At habang sampu ng iyong tropa'y tila ba nalunod na
Sa kakornihan dulot ng di-paawat mong komedya,
Sa bawat katiting ng KABABAWAN
Na ikaw (at ikaw lang! ^_^) ang may pakana,
Lahat ng iyo'y naririnig niya.
Tuwing ang 'yong mga mata'y biglang didiklap nang walang dahilan
At mga labi mo'y huhubog ng ngiting sadyang nakakatunaw,
At tuwing dagliang uusbong ang taglay mong "kakisigan"
Na tila tanging nakatanto'y ako (at ako lamang! ^_^),
Sa bawat bahid ng KASAGWAAN
Tuwing ika'y magpapa-kyut na parang ewan,
Lahat ng iyo'y kanyang namamasdan.
Buti pa siya, nakakasama ka,
Nakaka-inuman ka, nakaka-jamming ka,
Nasasambitan mo ng jowk at ng pamatay mong mga bola.
Ba't ba kasi parating SIYA, at siya na lang?!
Pwede bang kahit one minute lang,
AKO naman?